December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Ion Perez, kinumpirmang 'di na kakandidato sa pagkakonsehal

Ion Perez, kinumpirmang 'di na kakandidato sa pagkakonsehal
Photo Courtesy: Screenshots from Ion Perez (TikTok), Showbiz Updates (YT)

Kinumpirma ni “It’s Showtime” host Ion Perez na hindi na niya itutuloy pa ang kaniyang kandidatura bilang konsehal sa Concepcion, Tarlac.

Sa video statement na ibinahagi ni Ion nitong Lunes, Nobyembre 5, ipinaliwanag niya ang dahilan sa likod ng nasabing desisyon.

“Sa mga kalugar ko diyan sa Concepcion, una po maraming salamat sa tiwala at suporta n'yo na ibinigay sa akin,” panimula ni Ion.

“Ipinapaalam ko lang po na hindi na po ako tatakbo or tutuloy bilang konsehal ng Concepcion, dahil gusto ko po munang ihanda ang sarili ko para hindi mapahiya sa inyo at mapaglingkuran kayo nang tama,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pahabol pa ng host: “Muli po, maraming-maraming salamat po sa inyong tiwala. Paumanhin po."

Matatandaang bago pa man ito ay tila natunugan na ni showbiz insider Ogie Diaz ang pag-atras ni Ion sa pagtakbong konsehal matapos nitong maghain ng certificate of candidacy noong Oktubre 1.

MAKI-BALITA: Ion Perez, aatras sa pagkandidato bilang konsehal?