January 31, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Friend zone!' Dominic nag-react kay 'Senyora' na friends lang sila ni Kathryn

'Friend zone!' Dominic nag-react kay 'Senyora' na friends lang sila ni Kathryn
Photo courtesy: Dominic Roque (IG)

Nag-react ang aktor na si Dominic Roque sa social media personality na si "Senyora" matapos nitong i-share ang isang ulat ng isang Facebook page patungkol sa kanilang dalawa ni Kathryn Bernardo.

Makikita kasing parehong naka-Halloween costume ang dalawa noong nagdaang Undas, at ibinahagi pa nga ni Dom ang larawan nila ni Kath sa kaniyang Instagram story.

Marami naman sa mga netizen ang tila nang-iintriga sa dalawa, na kesyo baka si Dominic na raw ang mapalad na lalaking ipinalit ni Kath sa ex-boyfriend nitong si Daniel Padilla.

"Friends lang sila!!!" mababasa sa caption ni Senyora ng re-shared post.

Tsika at Intriga

Rendon 'proud kuya' kay Rosmar: 'Mas marami kang natulungan sa pag-atras mo!'

Sa comment section ay makikita naman ang komento rito ni Dominic.

"Tama, tama ka dyan," aniya.

Si Dominic ay ex-boyfriend naman ni Kapuso star Bea Alonzo.

Noon pa man ay magkaibigan na sina Dominic at Kathryn kaya tinatawanan na lamang nila kung inili-link sila sa isa't isa.

Matatandaang napabalita rin na may "sigalot" sa pagitan nina Dominic at Daniel noon, at matagal silang hindi nagkausap.

MAKI-BALITA: Pupunta si Kathryn: Daniel, di invited sa kasal nina Dominic at Bea

MAKI-BALITA: Dominic, kinukuyog daw; nakikisakay lang kay Daniel?