December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)

Hindi pinalagpas ni Chloe San Jose, jowa ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, ang isang bodyshamer na nagsabing tama ang hinala niyang sumailalim siya sa nose enhancement o pagpaparetoke ng ilong.

Nagkomento ang basher sa latest social media post ni Chloe noong Nobyembre 1 habang nasa Tokyo, Japan.

"as a 光 (hikari)," caption niya sa post.

Habang marami ang pumuri sa taglay na ganda at alindog ni Chloe, isang netizen naman ang sumingit at sinabing parang "Salamat po, Dok" ang kaniyang ilong.

Tsika at Intriga

Nadine, jowa pumalag sa taxidermy ng elepanteng si Mali sa Manila Zoo

"Sabi n eh..ngpagawa n s ilong hahaha. retake [retoke] p more hahaha," banat ng netizen.

Sagot naman ni Chloe, "ano po yung retake...? "

"fyi and i've said this so many times, i've never had any surgery done to my face/body," giit niya.

Photo courtesy: Screenshot from Chloe San Jose (FB)