December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Payo ni Negi, aprub sa netizens: 'Iwasan maging maluho at makipagsiklaban sa mga kaibigan!'

Payo ni Negi, aprub sa netizens: 'Iwasan maging maluho at makipagsiklaban sa mga kaibigan!'
Photo courtesy: Negi (FB)

Mukhang naka-relate at nagustuhan ng mga netizen ang Facebook post ng komedyanteng si "Negi" tungkol sa pagiging maluho at pakikipagkompetensya sa mga kaibigan lalo na pagdating sa paggastos.

Sey ni Negi noong Oktubre, mas makabubuti raw kung iwasan ang pagiging bulagsak sa pera at nakikipagtagisan ng gastos sa mga kaibigan.

Ang pinupunto ni Negi, tunay ang isang kaibigan kung hindi ito tumitingin sa "piso" o pera.

"sa materyal na mundo iwasan maging maluho at makipag siklaban sa mga kaibigan! kung wala, edi wala! may mga kaibigan naman na tumatanggap ng pagkatao kahit kulang ka ng PISO," mababasa sa Facebook post ni Negi.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

"Salamat Sa Pag Ma2hal Ng mga Tunay na Kaibigan."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Very true"

"Very well said"

"that's why I love ate negi so much!!!"

"Tama ka mi!! Ako po always support kahit walang kang piso"

"Pwede din naman po mabuhay ng wala kaibigan..kasi mas nakakatakot maging kalaban ang tunay n kaibigan"

"Tama ....ndi mo kaylangang mkipagsabayan sa iba....Ang tunay na kaibigan ay ndi tumitingin sa panlabas na anyo kundi sa ating puso...."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 14k reactions, 12k shares, at 521 comments ang nabanggit na post ni Negi.

Si Negi ay bahagi ngayon ng game show na "Rainbow Rumble" ng ABS-CBN Studios hosted by Luis Manzano.

Bago sumabak sa pagpapatawa sa telebisyon ay nagsimula muna siya sa mga comedy bar, kasamahan at kaibigan nina MC Muah, Lazzy, Petite, Chad Kinis, Divine Tetay, at Vice Ganda.