December 06, 2024

Home BALITA National

‘Kian Bill’ para sa ‘makataong solusyon’ sa problema sa illegal drugs, inihain sa Kamara

‘Kian Bill’ para sa ‘makataong solusyon’ sa problema sa illegal drugs, inihain sa Kamara
MB file photo

Inihain ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña nitong Lunes, Nobyembre 4, ang “Kian Bill” na naglalayon daw na magkaloob ng makataong solusyon sa problema sa droga at kasabay nito’y magbigay rin ng proteksyon sa karapatan ng bawat indibidwal.

Kilala rin bilang Public Health Approach to Drug Use Act, sinabi ni Cendaña na ang “Kian Bill” ay “180-degree turn” mula sa madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“The Kian Bill prevents the killing of more innocent Kians. Imbes na dahas at bala, solusyon natin ang magbigay ng karampatang lunas at direktang lingap sa mga drug users,” ani Rep. Cendaña.

“The proposed law bans the use of Tokhang or drug lists, torture, unlawful police interference, and other cruel methods used in the drug war,” dagdag pa niya.

National

Mary Jane Veloso, makakauwi na ng 'Pinas bago mag-Pasko – Indonesian official

Sinabi rin ng Akbayan representative na layunin din ng panukalang magkaloob ng “community-based health approach” at “social support interventions.”

Mayroon ding counterpart measure ang Kian Bill sa Senado na inihain naman ni Senador Risa Hontiveros. 

Nagmula raw ang Kian Bill sa pangalan ng estudyante at 17-anyos noon na si Kian delos Santos, isa sa mga naging biktima ng drug war at pinaslang noong Agosto 16, 2017 sa isang police operation sa Barangay 160, Caloocan City. Nang mga panahong iyo’y iginiit ng pulisya na nanlaban si Delos Santos, ngunit lumabas sa CCTV camera na kinaladkad ng mga pulis ang biktima bago binaril. Hinatulan naman ng murder ang mga pulis na sangkot sa kaso.

Samantala, matatandaang kamakailan lamang ay nagsagawa ng kani-kaniyang imbestigasyon ang House of Representatives' Quad Committee at Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sa naging pagdinig ng House quad comm noong Oktubre 11, 2024, emosyonal na ipinahayag ni retired police colonel Royina Garma na iniutos umano ni Duterte ang pag-aalok ng reward para sa Oplan Tokhang sa bansa, na kapareho raw ng “template” sa Davao.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, nag-offer ng reward para sa drug war killings — Garma

Pinabulaanan naman ng dating pangulo ang nasabing pahayag ni Garma.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, itinangging nag-alok ng ‘cash rewards’ para sa drug war

Samantala, sa pagdinig na isinagawa ng Senado noong Oktubre 28, 2024, sinabi ni Duterte na hindi siya hihingi ng tawad hinggil sa drug war dahil ginawa raw niya ito para sa bansa.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, ‘di hihingi ng tawad hinggil sa drug war: ‘I did it for my country!’

KAUGNAY NA BALITA: Utos ni Ex-Pres. Duterte sa mga pulis: 'Barilin mo sa ulo...'

KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, iginiit na ‘wag panagutin mga pulis sa drug war: ‘I take full responsibility’

Noong Hunyo ng taong ito nang ihayag ni human rights lawyer Chel Diokno na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula lamang Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno