Hindi raw naiwasan ni Pinoy Big Brother TV host Bianca Gonzalez na ma-pressure na tila saluhin ang binakanteng puwesto ng TV host-actress at singer na si Toni Gonzaga sa PBB, bilang main host nito.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Bianca ang pressure daw na kaniyang naramdaman na sa unang pagkakataon ay walang Toni Gonzaga sa set of host ng PBB sa katatapos pa lamang na season nito.
“[Ang aking essay entry] this season was extra special for me in so many ways and there is nothing but gratefulness in my heart,” ani Bianca sa caption.
Sa naturang post iginiit din niya kung paano raw niya inilihim ang pressure na naramdaman, gayong si Gonzaga raw mukha ng PBB, na minsan na ring nasabi ng mismong direktor ng show na si Laurenti Dyogi.
KAUGNAY NA BALITA: BALIKAN: Direk Lauren, sinabing si Toni ay PBB at ang PBB ay si Toni
“I didn’t tell anyone, but I felt the most massive pressure this season—who wouldn’t? To do our first season without Toni, who is the face of the show…,” saad pa ni Bianca.
Matatandaang nagbitiw sa pagiging host sa nasabing sikat na reality show si Gonzaga noong Pebrero 2022 matapos ang 16 taon niyang pagiging main host sa PBB. Tila nabalot din ng alegasyon ang naturang resignation ni Gonzaga sa PBB dahil sa umano’y political stand daw sa noo’y kasagsagang 2022 Presidential Elections.
KAUGNAY NA BALITA: Toni Gonzaga, namiss ng mga netizen sa Big Night ng PBB Kumunity Season 10
Dagdag pa ni Bianca, ginawa niya raw ang lahat ng kaniyang makakaya sa paraang marerespeto rin daw ang housemate at buong production team.
“I did the best I could to host in a way that's most authentically me, that honors the housemates' lives and does justice to everyones' tireless work behind the scenes,” saad pa ni Bianca.
Pinasalamatan din niya ang kaniyang co-hosts na sina Robi Domingo, Enchong Dee, Alexa Ilacad, Melai Cantiveros, at Kim Chiu.
Kate Garcia