December 06, 2024

Home BALITA National

Bagyo sa silangan ng E. Visayas, nakapasok na ng PAR; pinangalanang ‘Marce’

Bagyo sa silangan ng E. Visayas, nakapasok na ng PAR; pinangalanang ‘Marce’
Courtesy: PAGASA/FB

Nakapasok na sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa silangang bahagi ng Eastern Visayas at pinangalanan itong bagyong “Marce.”

Ito ang unang bagyo sa bansa ngayong Nobyembre at ika-13 ngayong 2024.

Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, huling namataan ang Tropical Storm Marce 935 kilometro ang layo sa silangan ng Eastern Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

National

Mary Jane Veloso, makakauwi na ng 'Pinas bago mag-Pasko – Indonesian official

Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.

Sa kasalukuyan ay wala pa namang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa alinmang bahagi ng bansa.

Samantala, ayon sa PAGASA, inaasahang unti-unting lalakas ang bagyo at posibleng umabot sa “severe tropical storm” category bukas ng umaga o tanghali, Nobyembre 5. Posible pa itong itaas sa “typhoon” category bukas ng gabi o sa Miyerkules ng madaling araw, Nobyembre 6.

Maaaring magtaas ng Signal No. 1 sa Cagayan bukas ng Martes.