December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Kris, nakalabas na sa ospital matapos sumailalim sa bagong medical procedure

Kris, nakalabas na sa ospital matapos sumailalim sa bagong medical procedure
Photo Courtesy: Kris Aquino World (IG)

Nagbigay ng update ang journalist na si Dindo Balares tungkol sa lagay ng kalusugan ng kaibigan niyang si Queen of All Media Kris Aquino.

Matatandaan kasing sa joint post nina Dindo at ng official fan page ni Kris, iniulat na kinakailangan umanong isailalim sa isang bagong medical procedure ang huli dahil lumiliit na umano ang muscle sa binti nito.

Pero sa isang bagong Instagram post ni Dindo noong Biyernes, Nobyembre 1, sinabi niyang nakalabas na raw si Kris sa ospital matapos nitong isugod sa Makati Medical Center.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Dindo ang ginawa umanong mensahe ni Kris para sa mga followers nito bago sumailalim sa procedure.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Ayon sa Queen of All Media, "Please say that please let me get my health okay and the matulungin Kris will definitely be back. I just need to start working para may pang-share."

"I don't want sadness for my followers. Because I want them to continue praying. We all need to have faith although, Kuya Dindo aamin ako- sa sobrang sakit there are moments I really can't help but cry,” aniya.

Dagdag pa ni Kris, "I remind myself though, I'm allowed because I'm still human."