December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

John Estrada, nagsalita na sa lumutang na video kasama ang isang babae

John Estrada, nagsalita na sa lumutang na video kasama ang isang babae
Photo Courtesy: Screenshots from John Estrada (IG), Keken Quiñonez (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang “FPJ’s Batang Quiapo” star na si John Estrada kaugnay sa nag-viral na video kung saan makikitang may kasama siyang isang babaeng foreigner sa bar.

Hindi tuloy naiwasan ng mga netizen na maintriga at magtanong kung may bagong babae na naman ba ang aktor.

MAKI-BALITA: John Estrada, naispatang may kasamang afam na bebot sa bar

Pero sa eksklusibong ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Sabado, Nobyembre 2, sinabi raw ni John na wala raw siyang pinagkakautangan ng paliwanag kanino man.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

“Once and for all, I'm going to say this, I have every right to befriend who I like to be friends with. Male or female. Like any normal human being. The only difference is I'm a public figure," saad ni John.

Matatandaang noong Hulyo ay naging usap-usapan na rin ang pangalan ni John at ang misis nitong si Priscilla Meirelles matapos pangalanan ng huli ang babaeng kasama umano ng mister nito sa Boracay.

MAKI-BALITA: Riggghhhooouuurrr! Sino-sino nga ba ang mga babaeng na-link kay John Estrada?

Pero nilinaw ng aktor na wala raw siyang relasyon sa babaeng nali-link sa kaniya na si Lily Hallman.

MAKI-BALITA: John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman

Bukod dito, binanggit din ni John na pareho raw nilang pinagdesisyunan ng misis niyang si Priscilla na mag-take muna ng break sa kanilang relasyon.

Ngunit sa inilabas na pahayag ni Priscilla, sinabi niyang "deeply shocked and disheartened" siya sa sinabi ni "Mr. Estrada" na mutual agreement ang kanilang "separation."

MAKI-BALITA: Priscilla, shookt sa sinabi ni John na 'mutual' pansamantalang hiwalayan nila