December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Workmate ng ex ni Jam Villanueva, may 'inappropriate things' na ginagawa sa trabaho?

Workmate ng ex ni Jam Villanueva, may 'inappropriate things' na ginagawa sa trabaho?
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT), Jam Villanueva (IG)

Tila lalong magiging matunog ang umuugong na usap-usapan tungkol sa hiwalayan nina Anthony Jennings at ng non-showbiz girlfriend nitong si Jam Villanueva.

Sa Instagram story kasi ni Jam nitong Biyernes, Nobyembre 1, isang anonymous netizen ang nag-usisa tungkol sa ex-boyfriend niya.

“Sis, bakit ‘yong galit mo parang kay ate girl lang? ‘Di ba dapat mas galit ka sa ex mo? Char,” saad ng netizen.

“Honey,” panimula ni Jam, “do you even read what I’m saying sa mga stories ko about men who cheats? Or maybe you just wanna take and absorb lang what you can and ano ‘yong pasok sa tolerance n’yo?”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“They are just the same. The one who cheated and the one who tells and do inappropriate things to her 

workmate na ‘di naman kasama sa trabaho,” aniya.

Dagdag pa niya: “Don’t push it. I respected their work and industry and I know the boundaries. And they completely beyond that.”

Matatandaang kamakailan lang ay nagsimulang pag-usapan ang tungkol sa hiwalayan nina Anthony at Jam matapos kumalat ang mga cryptic post ng huli.

MAKI-BALITA: Umano'y cryptic reposts ng non-showbiz jowa ni Anthony Jennings, usap-usapan

Inusisa na nga rin ni showbiz insider Ogie Diaz sa “Showbiz Updates” kung totoo nga ba talagang hiwalay na ang dalawa.

MAKI-BALITA: Tanong ni Ogie Diaz: Anthony Jennings, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag sina Anthony at Jam tungkol sa nasabing tsika.