December 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ruru Madrid, binasted ni Barbie Forteza dahil sa niregalong tsinelas

Ruru Madrid, binasted ni Barbie Forteza dahil sa niregalong tsinelas
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Public Affairs (YT), Freepik

Tila hindi pumasa si Ruru Madrid nang ligawan niya ang kapuwa niya Kapuso star na si Barbie Forteza.

Sa latest episode ng “Lutong Bahay” kamakailan, ikinuwento ni Ruru kung paano nga ba siya binasted ni Barbie nang ligawan niya ang aktres.

“14 ako, niligawan ko siya. Ang ginawa ko, binigyan ko siya ng tsinelas. Hindi ko alam ‘yong size niya,” lahad ni Ruru.

“Naalala ko no’n, ‘yong Tito ko galing ng abroad. Tapos mayro’n siyang inuwing tsinelas. E, siyempre, dahil medyo mamahalin ‘yong tsinelas sabi ko, ito na lang ‘yong ipanreregalo ko panligaw. Tinanggap niya ‘yong regalo,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa ng aktor: “[Pero] ‘yong tsinelas pala na naibigay ko sa kaniya, sobrang laki sa kaniya. As in kalahati lang ‘yong paa niya do’n sa tsinelas. Ta’s ‘yon ‘yong naging dahilan kung bakit niya ako binasted.”

Gayunman, ang mahalaga ay masaya na silang dalawa sa kani-kanilang current relationship.

Matatandaang noong Hulyo ay nagdiwang sina Ruru at ang jowa niyang si Bianca Umali ng kanilang 6th anniversary samantalang noong Mayo naman ay ipinagdiwang nina Barbie at Jak Roberto ang kanilang 7th year anniversary bilang magkasintahan.