December 22, 2024

Home SHOWBIZ

'Oh jieevaaa!' Madam Inutz, mama ni Fyang parehong may masarap na jowa

'Oh jieevaaa!' Madam Inutz, mama ni Fyang parehong may masarap na jowa

May makulit at nakaaaliw na pahayag ang social media personality/online seller at dating Pinoy Big Brother celebrity housemate na si "Madam Inutz" sa mga nagsasabing kahawig niya ang nanay ni Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner na si Sophia "Fyang" Smith.

Isang netizen ang nagtanong kay Madam Inutz kung anong masasabi niya sa mga nagsasabing magkamukha nga sila. Matatandaang nag-viral pa ang pagsita ni Fyang sa isang netizen sa kaniyang TikTok video habang kasama ang mama niya, na nagsabing katabi raw niya si Madam Inutz.

Sey ni Madam Inutz, pareho daw silang maganda at mabuting ina ng mama ni Fyang na si Myrna Smith. 

Higit sa lahat, pareho daw silang may masarap na jowa.

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

"Ang dami ngang nagsasabi... magkamukhang-magkamukha nga kami talaga. Sobra. Pero anyway, ito lang masasabi ko. Siyempre, parehas kaming maganda, oh jieevaaa, parehas kaming mabuting ina, at higit sa lahat, parehas kaming may masarap at guwapong jowa!" natatawang sabi ni Madam Inutz.

Maya-maya, makikita ang pagtabi sa kaniya ng partner na si Edward Tan, na nakilala niya dahil sa manager niyang si Wilbert Tolentino.

Matatandaang pinagpantasyahan ng mga netizen ang afam na daddy ni Fyang nang magtungo ito sa Big Night.

KAUGNAY NA BALITA: Afam na erpat ni Fyang, pinantasya: 'Sa'yo na ₱1M mo, akin na papa mo!'