December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kyline haba ng hair, biggest crush ni Kobe: 'We are dating!'

Kyline haba ng hair, biggest crush ni Kobe: 'We are dating!'

Finally ay inamin na rin mismo ng celebrity basketball player na si Kobe Paras na nagde-date sila ng Kapuso star na si Kyline Alcantara.

Sa panayam sa kaniya sa YouTube channel ng isang lifestyle magazine, naitanong kay Kobe kung sino ang kaniyang "biggest crush."

Walang gatol na sagot ni Kobe, "Kyline Alcantara, because we are dating!"

Sunod na tanong sa kaniya, kailan daw niya na-realize na crush niya ang "Shining Inheritance" star.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Early this year," sey naman ng basketball player.

Natanong din siya kung ano ang mga katangian ng isang girl na attractive para sa kaniya.

"Caring and respectful," aniya.

Matatandaang ilang buwan na ring pinag-uusapan kung sila na ba ni Kyline dahil madalas silang nagkikitang magkasama.

May isang nag-viral na video pa kung saan makikitang nakakandong si Kyline kay Kobe habang nagbi-videoke.

Sa ulat naman ni GMA news reporter Lhar Santiago noong Oktubre 4, naurirat nga niya ang “rumored couple” tungkol sa real-score ng dalawa habang nasa short vacation sa Infanta, Quezon.

“Three points,” pabirong sagot ni Kyline. “Ako naman po, ang lagi kong sagot diyan is what you see is what you get.”

“Again, sinabi ko na before. It’s not my responsibility to…confirm or deny anything,” dugtong pa niya.

Pero agaw naman ni Kobe: “Ako po sasagot po ako. Sasagot ako. Mayro’n akong famous quote. So we’re just friends.”

KAUGNAY NA BALITA: Kyline Alcantara, Kobe Paras iniintrigang magkasama sa iisang lugar

KAUGNAY NA BALITA: 'Vindicated raw si Carmina?' Netizens sa kandungan nina Kyline at Kobe, 'Mother knows best!'