December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Iya Villania, hirap sa kaniyang ikalimang pagbubuntis

Iya Villania, hirap sa kaniyang ikalimang pagbubuntis
Photo Courtesy: Iya Villania (IG)

Inamin ni “Chika Minute" showbiz news presenter Iya Villania-Arellano na mas nahihirapan daw siya ngayon sa ikalimang pagbubuntis niya kaysa noong mga nakaraang pagdadalang-tao niya.

Sa ulat ng GMA Integrated News kamakailan, sinabi ni Iya na hindi raw naman ito maiiwasan lalo na at dalawang taon na lang ay magkukuwarenta anyos na siya.

“I think it's inevitable kasi nga mas matanda na rin naman ako. I was 31 when I when I started with Primo, and I'm 38 now,” saad ni Iya.

Kaya naman, hindi raw niya maiwasang isipin ang posibleng panganib na mangyari sa pagbubuntis dahil nga umeedad na siya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Aniya, “There were fears that creep into my head na like your body might take things differently, if it's gonna be harder, it might be well I am already at high risk because I am past 35 and once you're past 35, high-risk ka na.”

“Hindi ko maisip kung ano ang gusto kong kainin tapos 'yong gusto ko pang kainin 'yong hindi ko dapat kinakain kasi raw which is sushi or sashimi,” wika ni Iya.

Dagdag pa niya: “The first trimester was probably the hardest with this one.”

Matatandaang Setyembre nang ianunsiyo ni Iya ang tungkol sa kaniyang ikalimang pagdadalang-tao sa pamamagitan ng Instagram post.

MAKI-BALITA: 'Basketball team na!' Drew Arellano, Iya Villania magkakaanak na naman

Pero ayon sa kaniya, ito na raw ang huli niyang pagbubuntis at hindi na niya susundan pa.

MAKI-BALITA: Iya Villania, 'di na raw dadagdagan ang limang anak

Samantala, sa kaniyang latest Instagram post, ni-reveal na nila ng kaniyang mister na si Drew Arellano ang gender ng kanilang fifth baby.

MAKI-BALITA: Gender ng ikalimang anak nina Drew, Iya inilantad na!