December 22, 2024

Home SPORTS

Golden Boy rin! Karl Eldrew Yulo, sumungkit ng gintong medalya sa Thailand

Golden Boy rin! Karl Eldrew Yulo, sumungkit ng gintong medalya sa Thailand
Photo courtesy: Gymnastics Association of the Philippines/Facebook

“Golden comeback” na itinuturing ngayon ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP), ang pagkakasungkit ng gintong medalya ni Karl Eldrew Yulo, kapatid ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, sa JRC Artistics Stars Championships 2024 sa Bangkok, Thailand, noong Nobyembre 1, 2024.

Namayagpag si Karl sa all-around event ng Junior’s Division para sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG), sa unang araw pa lang ng kompetisyon. Matatandaang silver medal ang naiuwi ni Karl noong 2023 sa naturang torneo.

Samantala, ilang young Pinoy gymnast din ang nag-uwi pa ng parangal para sa bansa, katulad nina Jacob Maceson Alvarez, na gumagawa na rin ng ingay sa gymnastics, matapos angkinin ang limang gintong medalya para sa Individual all around, vault, floor exercise, horizontal bar at still rings competition at dalawang silver medals para sa pommer horse at parallel bars.

Silver medal din ang nakamit ng Team Philippines para naman sa team event ng nasabing kompetisyon.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Ayon sa anunsyo ng GAP, nakatakda raw makipagbakbakan si Karl at isa pang Pinoy gymnast na si King Cjay Pernia para sa Apparatus Finals.

Kate Garcia