Ni-reveal na ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania ang gender ng kanilang magiging ikalimang anak.
Sa latest Instagram ni Iya nitong Sabado, Nobyembre 2, mapapanood silang buong pamilya na magkasama dahil ang main reveal daw ng gender ng baby ay para sa kanilang mga anak.
“We’re gonna find out gender. But the challenge is no one’s gonna react because the main reveal is to for the kids later,” saad ni Iya.
Ayon pa sa mag-asawa, wala naman daw silang problema kung ano ang magiging gender ng kanilang baby as long as healthy ito.
At sa pamamagitan nga ng cake pops ay natukoy ng mga bata ang gender ng kanilang soon-to-be-kapatid dahil sa kulay pink na nasa gitna nito.
“It’s a girl!” ani Iya.
Matatandaang Setyembre nang ianunsiyo ni Iya ang tungkol sa kaniyang ikalimang pagdadalang-tao sa pamamagitan din ng Instagram post.
MAKI-BALITA: 'Basketball team na!' Drew Arellano, Iya Villania magkakaanak na naman
Pero ayon sa kaniya, ito na raw ang huli niyang pagbubuntis at hindi na niya susundan pa.
MAKI-BALITA: Iya Villania, 'di na raw dadagdagan ang limang anak