December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Claudine may mensahe sa 'perpetrator' ni Rita: 'Ako harapin mo!'

Claudine may mensahe sa 'perpetrator' ni Rita: 'Ako harapin mo!'
Photo courtesy: Claudine Barretto (IG)

Ibinahagi ni Optimum Star Claudine Barretto ang pag-uusap nila sa video call ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela, batay sa kaniyang Instagram post nitong BIyernes, Nobyembre 1.

Batay sa screenshots ng kanilang pag-uusap ay malungkot at emosyunal si Rita hang kausap si Claudine.

Dito ay ibinunyag ni Claudine na nag-usap sila ni Rita patungkol sa isang isyung hindi man tinukoy nang direkta ng Optimum Star, ay patungkol sa pagsasampa ng kasong "acts of lasciviousness" ni Rita sa aktor na si Archie Alemania.

KAUGNAY NA BALITA: Rita Daniela, sinampahan ng kasong ‘acts of lasciviousness’ si Archie Alemania

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Sa bungad pa lang ng post, nilinaw ni Clau na hindi siya nakikisawsaw sa isyu. May concern siya kay Rita dahil isang "Claudinian" ang singer-actress o tagahanga niya.

Isa pa, isa rin siyang ina at may anak na babae kaya naiintindihan niya ang sakit ng ganitong klaseng isyu.

Hindi man pinangalanan subalit may mensahe si Claudine sa "perpetrator" ni Rita na lalabanan daw ang huli sa korte upang linisin ang kaniyang pangalan.

Sey pa ni Claudine, siya daw ang harapin nito at mag-apologize bago mahuli ang lahat.

"D po ako nakikisaw saw sa mga naglalabasang issue.Rita has been a true blooded Claudinian! supporting me through ny highs & lows.Claudinian man si @missritadaniela o kahit sino d claudinian it DOES NOT MATTER!!! she is A MOTHER! A SINGLE MOTHER & FATHER."

"i WENT OUT OF MY WAY TO BE THERE FOR RITA.Sa mga nagsasabi o magsasabi ginagamit nya ako pls know that she isn't.why am i in the middle of a crossfire BEACAUSE I BELIEVE & WILL PROTECT HER.TO HER PERPETRATOR AKO HARAPIN MO! APOLOGIZE BEFORE ITS TOO LATE BOY ."

"nakiki usap at nag mamakaawa ako pls let us not VICTIM BLAME HERE.let's pls show her our compassion & luv.i have nothing against the perpetrator & am willing to mediate if Rita wants.if u broke someone pls have the heart to genuinely apologize.it wont make you a less of a man to admit.choosing to b responsible & owning up to your actions and mistakes will be good for your soult.what you have done is beyond just trauma."

"the damage has been done.makikipag laban ka daw sa Korte to clear your image & name & i respect you doing this for your family.its easier to own up & apologize.u have a family.i an willing to listen.not my business but i have daughters."

Sa dulo ng post, tila nagpahiwatig si Claudine na naging biktima rin siya noon kagaya ng pagiging biktima rin umano ni Rita ngayon.

"i will always protect anyone who is going through this for i myself was a VICTIM YEARS AGO! Rita u are strong & loved. God hears u.i am HERE FOR YOU!!!"

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Claudine tungkol dito.

Bukod kay Rita, nagpahayag din ng pakikisimpatya si Claudine kina Gerald Santos at Sandro Muhlach na kapwa naglakas-loob ding isiwalat ang naranasan umanong sexual harassment.

KAUGNAY NA BALITA: Claudine full support sa pagpalag nina Sandro, Gerald sa sexual harassment

Sa huling update, wala pang pahayag ang musical director na si Danny Tan patungkol sa mga akusasyon laban sa kaniya ni Gerald Santos, lalo't isa pang singer na si Enzo Almario ang nag-claim din na nakaranas umano ng pangmomolestya laban sa kaniya noon.

KAUGNAY NA BALITA: Enzo Almario, nagustuhan ginawa sa kaniya ni Danny Tan kaya 'di umalma?

KAUGNAY NA BALITA: Danny Tan, tikom pa rin ang bibig sa kinasasangkutang isyu

Para naman sa mga inireklamo ni Sandro na sina Richard Cruz at Jojo Nones, bukod sa kasong isinampa ng aktor at ng tatay nitong si Niño Muhlach, ay sinampahan na rin sila ng kaso ng Department of Justice (DOJ).

KAUGNAY NA BALITA: Dalawang independent contractors na inireklamo ni Sandro, kinasuhan na ng DOJ

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Archie kaugnay sa demandang isinampa laban sa kaniya ni Rita.