May 21, 2026

Home BALITA National

Mayor Vico Sotto sa kaguluhan sa Senado: 'Ngayon ko lang nakita!'

Mayor Vico Sotto sa kaguluhan sa Senado: 'Ngayon ko lang nakita!'
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nagsalita si Pasig City Mayor Vico Sotto na nito lang daw niya nalaman ang nangyaring kaguluhan sa Senado noong gabi ng Miyerkules, Mayo 13, 2026. 

Ayon sa naging pahayag ni Sotto at inilabas na ulat ng Manila Bulletin nitong Huwebes, Mayo 13, sinabi ng alkalde na ang tanging magagawa lamang daw ng marami ay subaybayan ang mga nangyayari at ipagdasal ang Pilipinas. 

“Ngayon ko lang nakita 'yong kaguluhan sa Senado. For now, all we can do is watch and pray for our country,” pagsisimula niya. 

Pagpapatuloy ni Sotto, malinawan na raw sana ang isipan ng publiko at manaig ang konsensya sa bawat isa, lalong lalo na ang mga indibidwal na nasa mataas na posisyon sa gobyerno.

“Sana ay malinawan ang ating mga isipan at manaig ang konsensya ng bawat isa [lalo ng mga nasa matataas na posisyon]” pagtatapos pa niya. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Matatandaang nagulantang mga media at publiko sa biglang umalingawngaw na mga putok ng baril sa loob mismo ng Senado noong Miyerkules sa kabila ng pag-iwas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa mga awtoridad. 

Opisyal na kasing naglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa noong Mayo 11, 2026, kaugnay sa imbestigasyon nila sa mga umano'y “crimes against humanity” na nauugnay sa kampanya kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Samantala base sa bagong impormasyong mula sa South Police District, kinilalang driver ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Mel Oragon, 44, ang nasa likod ng naganap na kaguluhan.

KAUGNAY NA BALITA: PNP, muling bubuhayin subpoena vs Dela Rosa

KAUGNAY NA BALITA: Umugong na pagtakas ni Sen. Bato sa Senado, chismis lang daw?—Atty. Torreon