December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Claudine, magsasalita rin bilang biktima ng sexual assault gaya ni Rita?

Claudine, magsasalita rin bilang biktima ng sexual assault gaya ni Rita?
Photo courtesy: Claudine Barretto (IG)

Sinagot ni Optimum Star Claudine Barretto ang tanong ng isang netizen kung sino at kailan naganap sa kaniya ang sinasabing pagiging biktima ng "sexual harassment" kagaya ng naranasan ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela.

Nagulat ang Claudinians at netizens sa rebelasyon ni Claudine na naging biktima rin umano siya ng sexual harassment, matapos niyang ibahagi ang pakikipag-video call kay Rita.

Batay sa screenshots ng kanilang pag-uusap ay malungkot at emosyunal si Rita hang kausap si Claudine.

Dito ay ibinunyag ni Claudine na nag-usap sila ni Rita patungkol sa isang isyung hindi man tinukoy nang direkta ng Optimum Star, ay patungkol sa pagsasampa ng kasong "acts of lasciviousness" ni Rita sa aktor na si Archie Alemania.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Sa bungad pa lang ng post, nilinaw ni Clau na hindi siya nakikisawsaw sa isyu. May concern siya kay Rita dahil isang "Claudinian" ang singer-actress o tagahanga niya.

Isa pa, isa rin siyang ina at may anak na babae kaya naiintindihan niya ang sakit ng ganitong klaseng isyu.

Hindi man pinangalanan subalit may mensahe si Claudine sa "perpetrator" ni Rita na lalabanan daw ang huli sa korte upang linisin ang kaniyang pangalan.

Sey pa ni Claudine, siya daw ang harapin nito at mag-apologize bago mahuli ang lahat.

"D po ako nakikisaw saw sa mga naglalabasang issue.Rita has been a true blooded Claudinian! supporting me through ny highs & lows.Claudinian man si @missritadaniela o kahit sino d claudinian it DOES NOT MATTER!!! she is A MOTHER! A SINGLE MOTHER & FATHER."

"i WENT OUT OF MY WAY TO BE THERE FOR RITA.Sa mga nagsasabi o magsasabi ginagamit nya ako pls know that she isn't.why am i in the middle of a crossfire BEACAUSE I BELIEVE & WILL PROTECT HER.TO HER PERPETRATOR AKO HARAPIN MO! APOLOGIZE BEFORE ITS TOO LATE BOY ."

"nakiki usap at nag mamakaawa ako pls let us not VICTIM BLAME HERE.let's pls show her our compassion & luv.i have nothing against the perpetrator & am willing to mediate if Rita wants.if u broke someone pls have the heart to genuinely apologize.it wont make you a less of a man to admit.choosing to b responsible & owning up to your actions and mistakes will be good for your soult.what you have done is beyond just trauma."

"the damage has been done.makikipag laban ka daw sa Korte to clear your image & name & i respect you doing this for your family.its easier to own up & apologize.u have a family.i an willing to listen.not my business but i have daughters."

Sa dulo ng post, tila nagpahiwatig si Claudine na naging biktima rin siya noon kagaya ng pagiging biktima rin umano ni Rita ngayon.

"i will always protect anyone who is going through this for i myself was a VICTIM YEARS AGO! Rita u are strong & loved. God hears u.i am HERE FOR YOU!!!"

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Claudine tungkol dito. Ngunit isang netizen ang nangahas na magtanong sa kaniya sa comment section.

Anang netizen, "CB bakit at sino nagpadanas sau ng same scenario years back?"

Tugon naman ni Claudine, "someday soon sweetheart i'll will tell my truth.can we all just luv & protect & be compassionate towards each other thank you."

Nagpakita naman ng simpatya para sa dalawa ang mga netizen.

"the most important thing is to offer genuine support and understanding. Thank you Ate @claubarretto Be Brave @missritadaniela "

"mahigpit na yakap po sainyong dalawa ate @claubarretto and @missritadaniela support po sa lahat ng laban nyo po be strong po"

"Tama! Ipaglaban natin Kung ano Ang nararapat. especially babae tayo we need respect. Kaming mga babae ay Hindi lng Basta mga babae. Ipaglalaban Ang dpat ipaglaban Lalo na kapag ganitong pangyayari na Ang pinag uusapan. Be Strong Ms Rita I hope soon as possible maging ok kana.. claudinians is always here.we already to protect each other.. whenever what's happened "

"sobrang kind, mahal na mahal ka namin ms clau and for ms rita stay strong and pray lg po palagi kay god to give the strength para po makayanan lahat ng problema,hindi madali pero kaya mo po yan.‍."

Hindi naman na sumagot pa si Clau sa iba pang komento ng netizens sa kaniyang post.

KAUGNAY NA BALITA: Claudine hindi sawsawera sa isyu ni Rita, biktima rin ng sexual harassment?

KAUGNAY NA BALITA: Claudine may mensahe sa 'perpetrator' ni Rita: 'Ako harapin mo!'