December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Attorney rin kasi ng mga inireklamo niya! Sandro, nagpasaring sa abogado ni Rita

Attorney rin kasi ng mga inireklamo niya! Sandro, nagpasaring sa abogado ni Rita
Photo courtesy: Sandro Muhlach (FB)/Screenshot from 24 Oras (YouTube)/Senate of the Philippines (FB)

Usap-usapan ang tila pagpapasaring ng Kapuso actor na si Sandro Muhlach sa legal counsel ng kapwa Kapuso actress-singer na si Rita Daniela, na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, na nagsampa ng kasong "acts of lasciviousness" sa "Widow's Web" co-star na si Archie Alemania.

KAUGNAY NA BALITA: Rita Daniela, sinampahan ng kasong ‘acts of lasciviousness’ si Archie Alemania

Ibinahagi ni Sandro sa kaniyang Instagram stories ang screenshots ng mga ulat patungkol sa pagsasampa ng kaso ni Rita na umano'y biktima ng sexual harassment at pagdepensa sa kaniya ng abogado, gayundin sa pagiging legal counsel ng GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz, na inireklamo naman ni Sandro.

Naka-tag pa ang IG story sa Instagram account ng abogada.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Caption ni Sandro, "completely agree with you @atty.maggie mahirap talaga mag come forward kaya victims and survivors should never be blamed or made to feel guilty for what happened to them."

"but wow, how ironic atty. that now you're standing with a victim of an assault."

"Justice will prevail!" ani Sandro.

Kamakailan lamang ay tinuluyan na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong one count of rape through sexual assault at two counts of acts of lasciviousness sa dalawa, na inihain sa Pasay Regional Trial Court (RTC), at naipa-raffle sa Pasay RTC Branch 115.

KAUGNAY NA BALITA: Dalawang independent contractors na inireklamo ni Sandro, kinasuhan na ng DOJ

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Atty. Maggie patungkol sa naging patutsada ni Sandro.