November 01, 2024

Home BALITA National

PBBM, no comment sa banta ni VP Sara na huhukayin labi ni Marcos Sr.

PBBM, no comment sa banta ni VP Sara na huhukayin labi ni Marcos Sr.
Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte (Photo: Santi San Juan/MB)

Tumangging magkomento si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naging banta kamakailan ni Vice President Sara Duterte na huhukayin nito ang mga labi ng kaniyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea (WPS).

Sa paggunita ng Undas nitong Biyernes, Nobyembre 1, magkasamang nagpunta sina PBBM at dating First Lady Imelda Marcos sa Libingan ng mga Bayani upang bisitahin ang puntod ni Marcos Sr.

MAKI-BALITA: PBBM, binisita kaniyang ama sa Libingan ng mga Bayani

Matapos ang pagbisita ng pangulo, saglit siyang nakapanayam ng mga mamamahayag kung saan hiningian siya ng komento sa sinabi ni Duterte kamakailan na itatapon niya ang mga labi ni Marcos Sr. sa WPS.

National

VP Sara, nanawagang ipagdasal kapayapaan ng PH sa harap ng ‘hamon ng kasamaan’

“I’d rather not,” matipid na sagot ni PBBM.

Matatandaang sa isang press conference noong Oktubre 18, isiniwalat ni Duterte na sinabihan umano niya si Senador Imee Marcos na itatapon niya ang katawan ng ama nitong si dating Pangulong Marcos Sr. sa WPS.

MAKI-BALITA: VP Sara, sinabihan si Sen. Imee na itatapon niya katawan ni Marcos Sr. sa WPS

Samantala, nagsalita na hinggil dito ang anak ng pangulo na si Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos, at iginiit ang kaniyang pagkondena sa tinawag niyang “bizarre temper tantrum” ng bise presidente.

MAKI-BALITA: ‘She crossed the line!’ Sandro Marcos, binuweltahan mga patutsada ni VP Sara kay PBBM