December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Urirat daw ng netizens: Rita, bakit ba nagpahatid pa rin kay Archie?

Urirat daw ng netizens: Rita, bakit ba nagpahatid pa rin kay Archie?
Photo courtesy: Rita Daniela (FB)/Archie Alemania (FB)

Usap-usapan pa rin ng mga netizen ang isinampang kaso ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela sa aktor na si Archie Alemania, na may kinalaman sa "acts of lasciviousness."

Ayon sa ulat ng GMA News, Miyerkules, Oktubre 30, 2024, nag-file ng formal complaint si Rita sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City, Cavite.

Batay naman sa iba pang ulat gaya ng Philippine Entertainment Portal o PEP, naganap ang umano'y mga akto ni Archie kay Rita sa thanksgiving party pa lang ng co-star nilang si Bea Alonzo sa bahay nito noong Setyembre, hanggang sa ihatid daw siya ni Archie sa bahay niya sa Cavite.

Magkasama sa seryeng "Widow's War" sina Rita at Archie, pero sa mga ganap at eksena sa seryeng idiniderehe ni Zig Dulay, wala na ang karakter ni Archie dito at ang karakter naman ni Rita ay dinala sa mental hospital.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Ayon pa sa ulat ng PEP, pagdating pa lang daw ni Rita sa bahay ni Bea ay napansin niyang "senglot" na raw nito, at nagbitiw pa raw ng mahalay na pahayag ang aktor gaya ng "Naku, Rita, huwag ka lumapit sa akin, napaka-F*CK*BLE mo tonight ah!”

Nang mag-duet naman daw sila ng isa pang co-star sa serye na si Royce Cabrera, sumigaw raw si Archie na "Tirahin na raw siya." Sa puntong ito ay sinaway na raw ni Bea si Archie.

Nang pauwi na raw siya sa kanila, nag-book na raw si Rita sa pamamagitan ng Grab, subalit inawat siya ni Archie at sinabing siya na ang maghahatid sa kaniya.

Huminto raw sa tapat niya ang isang puting SUV na minamaneho mismo ni Archie, at sinabihan siyang ikansela na ang na-book na Grab car dahil baka "ma-rape" pa siya.

Dahil "kuya" ang tingin ni Rita kay Archie at wala naman daw siyang nakitang masama rito, pumayag na ang singer-actress.

Nang nasa sasakyan na raw siya at bumibiyahe na ay nagsimula na umano siyang hawakan sa leeg at balikat ni Archie, na pilit naman niyang iniiwasan.

Nang makarating na raw sila sa bahay ni Rita ay humirit daw ng kiss ang aktor. Nang pumalag daw siya, ay tila nagkaroon daw ng "pamumuwersa."

"However, this did not deter the Respondent (Archie Alemania), instead he forcibly got hold of my head and locked it with his grip and gave me a torrid kiss on the lips with his tongue out trying to put it inside my mouth," mababasa sa sinumpaang salaysay ni Rita.

“Feeling sexually violated, I pushed the Respondent with all my might while shouting at him to stop. I struggled several times but he did not stop on brushing his lips on mine against my will.”

Bumulong pa raw si Archie sa kaniya ng "Pa-booking naman sige na."

Hindi raw pinagbigyan ni Rita si Archie at pumasok na sa loob ng bahay, subalit hindi pa rin umalis ang aktor. Hanggang sa nakiusap na si Rita sa pamamagitan ng text na umalis na siya dahil nagtatahulan na ang mga aso at nakakaabala na sa mahimbing na pagtulog ng mga kapitbahay.

KInabukasan daw, Setyembre 10, naka-ilang missed calls sa kaniya si Archie at nagpadala pa ng text message na humihingi ng patawad sa mga nagawa niya dala ng kalasingan.

Isinumbong ni Rita sa pamunuan ng GMA ang insidente, at humiling na baka puwedeng alisin sa serye nila si Archie dahil hindi siya komportableng makatrabaho ito.

BAKIT PUMAYAG NA MAGPAHATID?

Sa ulat pa rin ng PEP, tila nakararanas daw ng "victim-blaming" ngayon si Rita matapos intrigahin ng mga netizen kung bakit pa siya pumayag na maihatid ni Archie sa bahay nila, gayong alam daw niyang lasing na ito at nakapag-book na siya ng taxi car.

Ito rin daw ang unang naitanong ng legal counsel ni Rita sa kaniya, na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

Nakasaad naman daw ito sa sworn affidavit ni Rita.

"Thinking that he was already sober and that he went back to his being an elder brother who could safely take me home. I agreed to ride with him and cancelled my Grab ride," mababasa rito.

Hiningan daw ng pahayag o tugon ang kampo ni Alemania subalit hindi pa ito sumasagot.

KAUGNAY NA BALITA: Rita Daniela, sinampahan ng kasong ‘acts of lasciviousness’ si Archie Alemania