December 06, 2024

Home BALITA National

Super Typhoon Leon, napanatili ang lakas; Batanes, nakataas sa Signal #4

Super Typhoon Leon, napanatili ang lakas; Batanes, nakataas sa Signal #4
Courtesy: PAGASA/FB

Napanatili ng Super Typhoon Leon ang lakas nito habang kumikilos pa-northwest palapit sa Batanes, ayon sa 8 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Oktubre 31.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Leon 110 kilometro ang layo sa North Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo pa-northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Dahil dito, nakataas sa Signal No. 4 ang buong lalawigan ng Batanes.

Itinaas naman sa Signal No. 3, 2, at 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Signal No. 3

Northern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is.)

Signal No. 2

Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands

Northern portion ng mainland Cagayan (Camalaniugan, Lal-Lo, Pamplona, Gonzaga, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Claveria, Gattaran, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Santa Ana)

Northern portion ng Apayao (Pudtol, Luna, Santa Marcela, Calanasan, Flora)

Northern portion ng Ilocos Norte (Sarrat, Piddig, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Bacarra, Adams, Pasuquin, Carasi, San Nicolas, Dumalneg, Laoag City)

Signal No. 1

Mga natitirang bahagi ng Cagayan

Isabela

Mga natitirang bahagi ng Apayao

Abra

Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Northern portion ng Benguet (Mankayan, Bakun, Buguias)

Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte

Ilocos Sur

Ayon sa forecast track ng PAGASA, kikilos ang bagyong Leon pa-northwest sa karagatan ng Extreme Northern Luzon hanggang sa mag-landfall ito sa eastern coast ng Taiwan sa mamayang tanghali.

Posible raw humina ang bagyo at ibaba sa “typhoon” category sa susunod na 12 oras bago ito mag-landfall sa Taiwan.

“Its interaction with the mountainous region of Taiwan will result in a continuous weakening trend for the rest of the forecast period,” saad ng PAGASA.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo mamayang gabi o bukas ng madaling araw, Nobyembre 1.