January 23, 2025

Home BALITA National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. (Noel Pabalate/MANILA BULLETIN)

Nagpahayag ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paggunita ng All Saints' Day at All Souls' Day, o mas kilala sa Pilipinas bilang Undas, nitong Nobyembre 1 at 2.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Oktubre 31, sinabi ni Marcos na ang Undas ay panahon ng pagninilay-nilay kung saan inaalala ang mga yumaong mga mahal sa buhay at mananampalatayang namuhay nang may karangalan, sakripisyo, at paglilingkod.

“Today, we remember those who paved the way for our present prosperity through their example of faith and love for others,” ani Marcos.

“This is the opportune moment to fortify our bond for the betterment of our spiritual life, not only with the divine but also with one another. It reminds us of striving towards those virtues that have defined the saints with their extraordinary compassion, kindness, and humility,” dagdag niya.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Hinikayat din ng pangulo ang mga Pinoy na gugulin ang paggunita ng Undas upang bisitahin ang himlayan ng mga namayapang mahal sa buhay at mag-alay ng panalangin at pasasalamat para sa kanila.

“May this remind us of the values that shall endure through us as a nation: faith. resilience, and hope. Reflecting on our journey in this world, let us strive to live with love and compassion for others, ever seeking the common good, just as the saints and our loved ones did in their time,” saad ni Marcos.

“Let this day of memorial rekindle us to be better persons, better Filipinos, and better stewards of our beloved nation,” dagdag pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit ‘Undas’ ang tawag sa 'All Saints' Day' sa Pilipinas?