Hindi na raw nagdalawang isip pa si Kapuso singer-actress at Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose na maging calendar cover para sa 2025, ng isang sikat na liquor brand.
KAUGNAY NA BALITA: Dating si 'Maria Clara:' Julie Anne sexy era na, 2025 calendar girl ng liquor brand
Sa panayam ni Julie sa media, matapos ang launching ng naturang brand para sa kanilang bagong calendar girl, inihayag ng singer na tila rebirth daw ito para sa kaniya.
“This feels like a rebirth as a woman…,” ani Julie.
Matatandaang minsan na ring naging tatak ng singer ang pagiging “Maria Clara,” matapos ang pagganap niya sa historical series ng GMA Network na Maria Clara at Ibarra. Kaya naman nang tanungin ng media ang kaniyang sagot tungkol sa pagiging Maria Clara-turned-calendar girl, hindi nag-atubili si Julie na sagutin ito.
“Oh my God, it's total change, it's total 360. Coming from Maria Clara to me being one of the calendar girls for Ginebra San Miguel, para siyang total different worlds,” saad ni Julie.
Dagdag pa niya, nais niya raw kasing ma-explore pa ang kaniyang karera bilang isang artista, kaya naman bukas umano siya sa magkakaibang mundo ng showbusiness.
“Ako naman, as an artist, I really want to portray different worlds. I like to do different things. I like to innovate. I like to improve myself when it comes to my craft. So, I really want to parang hasain pa kung ano pa yung makakapagpabuti para sa craft ko,” saad ni Julie.
Si Julie Anne ang pumalit kay Viva artist at Kapamilya actress Heaven Peralejo, na naging calendar girl noong 2024.
Kate Garcia