November 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

6th anniversary post ni Archie Alemania sa misis niya, binalikan ng netizens

6th anniversary post ni Archie Alemania sa misis niya, binalikan ng netizens
Photo courtesy: Archie Alemania (FB)

Matapos ang pagputok ng balitang pagsasampa ng kasong "acts of lasciviousness" ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela laban sa kaniyang co-star sa "Widow's War" na si Archie Alemania, napabisita tuloy ang mga netizen sa kaniyang social media accounts.

Kung pagbabatayan ang kaniyang Instagram account ay makikita pa roon ang tinutukoy na thanksgiving party sa bahay ni Bea Alonzo, na dinaluhan ng mga may kinalaman sa show, lalo na ang cast.

Naka-upload ito noong Setyembre 9. Tumutugma ito sa petsang nakalagay sa sworn affidavit na isinumite ni Rita sa Prosecutor's Office sa Bacoor, Cavite, kung kailan naganap daw ang mga binanggit na akto ni Archie laban sa kaniya.

Kapansin-pansin namang naka-turn off ang comment section ng Instagram posts ni Archie.

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

Pero sa Facebook account na may 8.4k followers na nakapangalan sa kaniya, mapapansing ang huling post ay noon pang Oktubre 27.

Mababasa rito ang mensahe niya sa 6th anniversary nila ng kaniyang asawang si Gee Canlas na pinakasalan niya noong 2018.

Pinasalamatan niya ang asawa matapos siyang regaluhan ng tatlong pares ng sapatos.

"What a way to end our 6th year anniversary day with the wifey surprising me with shoes... not just 1, 2 but 3 pairs!!! Mas lalo na kitang mahal hahaha dali mko pinakilig hahaha Happy 6th year anniversary and to many more ILY" mababasa sa post ni Archie.

Hindi naka-off ang comment section ng post kaya pinutakti si Archie ng iba't ibang komento na may kinalaman sa nabanggit na kontrobersiyang kinasasangkutan.

Narito ang ilan sa mga walang filter na komento ng mga netizen:

"Pre kumusta muna sexual assult allegations sayo? Haha"

"Palit kana apelyido, Archie Alemanyak"

"Andito ko dahil sa napanood ko sa news...."

"Andito Ako Kasi napa search Ako about saknya dahil viral sya sa news haha"

"L na L HAHAHA may asawa nman pala."

Hindi naman tumugon si Archie sa mga komento laban sa kaniya ng netizen, kung lehitimong sa kaniya nga ang nabanggit na Facebook account na walang verified check.

Maging ang misis ni Archie na si Gee ay hindi rin nagkomento sa mga patutsada ng netizens sa misis.

Batay sa sinumpaang salaysay ni Rita at batay na rin sa mga ulat, matapos "mahimasmasan" may tinangka raw tawagan ni Archie si Rita at nagpadala pa ng text message, na humihingi umano ng pasensya sa kaniyang mga nagawa, dulot na rin ng kalasingan dahil sa naganap na party.

Ang screenshots daw ng missed calls at mensahe ni Archie ay isinama raw ni Rita sa kaniyang sworn affidavit.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang kampo ni Archie, maging ang kaniyang legal counsel kaugnay sa isyu.

May karapatan pa rin namang maipagtanggol ni Archie ang kaniyang sarili laban sa kasong isinampa laban sa kaniya. 

Bukas naman ang Balita sa kanilang panig.

KAUGNAY NA BALITA: Rita Daniela, sinampahan ng kasong ‘acts of lasciviousness’ si Archie Alemania

KAUGNAY NA BALITA: Urirat daw ng netizens: Rita, bakit ba nagpahatid pa rin kay Archie?