November 25, 2024

Home SHOWBIZ

Viy Cortez, ipapakapon na si Cong TV 'pag binuntis ulit siya

Viy Cortez, ipapakapon na si Cong TV 'pag binuntis ulit siya
Photo Courtesy: Viy Cortez (IG)

Ibinahagi ng social media personality na si Viy Cortez kung hanggang ilang anak lang ang kaya niyang dalhin sa sinapupunan at palakihin.

Sa isang episode kasi ng vlog ni Zeinab Harake kamakailan, pinag-usapan nila ang tungkol sa pagbubuntis at pagkakaroon ng anak.

“Basta hanggang tatlo lang ako, sister. Ikaw, hanggang ano ka lang? Apat? Tama ba?” usisa ni Viy.

“Lucas, Bia, tapos sabi ko kay Ray [Parks, Jr.] kaya ko tatlo,” sagot ni Zeinab. “Gagawa akong basketball 

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

team. Hindi pa naman agad-agad. Ang usapan namin ni Ray, before akong mag-30.” 

Si Lucas ay adopted son ni Zeinab samantalang si Bia ay anak niya sa singer-songwriter na si Skusta Clee.

Sa kasalukuyan, wala pa silang baby ni Ray bagama’t nag-propose na ang huli sa kaniya kamakailan.

MAKI-BALITA: Kasalang Zeinab-Ray Parks, next year na!

MAKI-BALITA: Zeinab, hinahayaang disiplinahin ni Ray dalawang anak niya

“Ako naman,” sabi ni Viy, “gusto ko nang gumraduate ng 30 [years old]. Kasi 28 ako ngayon. [...] So, nagbuntis na ako ng 2. So nag-2 na ‘to, buntis ako ulit. Tapos ipapakapon ko na si Cong.”

Matatandaang inanunsiyo nina Cong at Viy ang kanilang second baby noong Oktubre 2 sa pamamagitan ng social media post.

MAKI-BALITA: True ba? Sey ni Viy, 'Pag di ka nadiligan, para kang halamang lanta eh!'