Nagdesisyon ang singer-songwriter na si Sam Pounds na ikansela ang release date ng kaniyang collab song na “Do No Harm” kasama ang namayapang si dating si dating One Direction member Liam Payne.
Sa kaniyang X post nitong Oktubre 30, 2024, sinabi ni Pounds na hindi pa raw niya ilalabas ang nasabing collab song, na dapat sana’y nakatakda ang release sa darating na Nobyembre 1.
“Today I’m deciding to hold “ Do No Wrong” and leave those liberties up to all family members,” saad ni Pounds.
Sinabi ni Pounds na hindi pa aniya panahon na ilabas ang kanilang kanta upang bigyan ng panahon ang pagluluksa sa pagpanaw ni Payne.
“Even though we all love the song it’s not the time yet. We are all still mourning the passing of Liam and I want the family to mourn in peace and in prayer. We will all wait,” ani Pounds.
Matatandaang, ikinansela rin ni dating 1D member na si Zayn Malik ang kaniyang concert noong isang linggo, kaugnay pa rin sa pagpanaw ng former bandmate.
KAUGNAY NA BALITA: Concert ni Zayn Malik, postponed dahil sa biglaang pagpanaw ni Liam Payne
Pumanaw si Liam, 31, matapos umanong mahulog mula sa ikatlong palapag ng isang hotel sa Argentina noong Oktubre 17, 2024.
KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, pumanaw na
Kate Garcia