November 05, 2024

Home BALITA

‘Irresponsible post!’ Robredo, pumalag sa summary report ng Naga City Government

‘Irresponsible post!’ Robredo, pumalag sa summary report ng Naga City Government
Photo courtesy: Atty. Leni Robredo and Leni Gerona Robredo/Facebook

Inalmahan ni dating Vice President Leni Robredo ang summary report ng Naga City Government tungkol sa mga tulong umanong naibahagi sa naapektuhan ng bagyong Kristine.

Tinawag ni Robredo na “irresponsible post” ang ngayo’y buradong Facebook post ng Naga City Government kung saan isinaad nito na 200 packs lang daw ang naipamahagi ng Angat Buhay Foundation at tanging iisang barangay lang din daw ang nabahagian nito.

Sa naturang buradong post, nakalagay ring mas marami pa umano ang naibigay ng Office of the Vice President na may tala na 2,500 at sa column naman na “Sen. Revilla” na may 800.

Hindi naman pinalampas ni Robredo ang nasabing summary report at tahasang naglabas ng pahayag sa kaniyang Facebook account noong Martes, Oktubre 29, 2024.

National

Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test

“I shared this earlier because this does not reflect correct data. I need to call the attention of the City Government of this irresponsible post,” ani Robredo.

Isinaad din ni Robredo, na nakapagkasa raw sila ng relief operations dahil mayroon silang 1,200 volunteers at private partners.

“We are able to do our relief operations because of the generosity of our private partners and the selflessness of our thousands of volunteers. Sa Naga lang po, nag aaverage kita nin 1,200 volunteers everyday.”

Dagdag pa ni Robredo, tila pangungutya raw ang summary report ng Naga City Government para sa mga nagsakripisyo at tumutulong sa kanila, magmula pa raw sa umpisa.

“We have been doing relief operations since Day 1 and to claim that we only released 200 packs in Naga will make a mockery of the sacrifices of everyone who has been helping us,” saad ni Robredo.

Giit din ni Robredo, malinis na pangalan lamang ang kaakibat ng Angat Buhay, kaya marapat daw sanang tama ang mga impormasyong ididikit sa kanila.

“Kung ma post po na gamit an Angat Buhay, siguruhun lang na tama an impormasyon. Malinig na pangaran lang an kapital mi kaya pinapakipaglaban mi yan,” ani Robredo. (“Kung magpopost ka gamit ang Angat Buhay, siguraduhin lang na tama ang impormasyon. Ang tanging kapital natin ay malinis na pangalan kaya ipinaglalaban natin ito.”)

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang Naga City Government sa naturang summary report, bagama’t burado na ito sa kanilang official Facebook page.