November 23, 2024

Home BALITA National

SP Chiz sa pagmumura si Ex-Pres. Duterte sa Senate hearing: ‘Hindi okay ‘yon ha!’

SP Chiz sa pagmumura si Ex-Pres. Duterte sa Senate hearing: ‘Hindi okay ‘yon ha!’
MULA SA KALIWA: SP Chiz Escudero at Ex-Pres. Rodrigo Duterte (file photo)

Pinuri ni Senate President Chiz Escudero ang naging pagsita ni Senador Risa Hontiveros sa mga pagmumura ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Oktubre 28, dahil wala raw lugar ang naturang mga salita sa Senado.

“Magandang pinoint out ni Senator Risa na OA ‘yong pagmumura at walang lugar ‘yan dito sa Senado. Sang-ayon ako doon,” ani Escudero sa Kapihan sa Senado nitong Martes, Oktubre 28.

Binanggit din ng Senate president ang paliwanag ng dating pangulo hinggil sa kaniyang pagmumura na “nagkukuwento lamang siya, at ang kinuwento niya ay nagmumura siya noon.”

“Hindi yata totoo ‘yon sa lahat ng mga pagmumurang ginawa niya,” giit ni Escudero.

National

VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’

“Magandang na-point out ‘yon ni Senator Risa dahil ayaw kong mamanhid ang Senado o ang lipunan o tayong lahat, na isipin nating okay lang ‘yon. Hindi okay ‘yon ha,” saad pa niya.

Matatandaang sa isinagawang pagdinig ng komite hinggil sa war on drugs, ilang beses pinuna ni Hontiveros ang mga pagmumura ng dating pangulo.

Humingi naman ng paumanhin si Duterte kay Hontiveros at sinabing “sensitive” ito, na inalmahan din ng senadora.

MAKI-BALITA: Sen. Risa habang kaharap si Ex-Pres. Duterte: ‘There is no honor in punishment like tokhang!’