December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Kathryn, aminadong 'di pa rin alam kahulugan ng pag-ibig

Kathryn, aminadong 'di pa rin alam kahulugan ng pag-ibig
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo (IG)

Inamin ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo na hindi pa rin daw niya alam ang tunay na kahulugan ng pag-ibig sa kabila ng katotohanang galing siya sa halos isang dekadang relasyon.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Oktubre 28, tila nag-alinlangan si Kathryn nang tanungin siya ni Boy tungkol dito.

“I don’t if I’m the right person to ask…kasi I’ve only been into one relationship that lasted for 11 years,” saad ni Kathryn.

Pero sa kabila nito, marami naman daw siyang natutuhan mula sa naging relasyon nila noon ni Kapamilya star Daniel Padilla. In fact, wala nga raw siyang pinanghinayangan sa naging pagsasama nila.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

MAKI-BALITA: 'It was 11 beautiful years!' Kathryn, 'di nanghinayang sa relasyon nila ni Daniel

Ayon kay Kathryn, “I’ve learned so much from my past relationship. I’m talking about growth, I’m talking about being unselfish, gratitude, dreams, and all. Lumaki ako sa 11 years na relationship na ‘yon.”

“So during that 11 years, I’m learning. And when the breakup happened, ang dami ko ring natutunan sa sarili ko and sa lahat ng nangyari,” wika niya.

Dagdag pa ng aktres: “Feeling ko, I’m work in progress but I still don’t know the real definition of love. But I think love can be found anywhere.

Matatandaang Nobyembre 2023  nang kinumpirma nina Daniel at Kathryn ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn