December 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'It was 11 beautiful years!' Kathryn, 'di nanghinayang sa relasyon nila ni Daniel

'It was 11 beautiful years!' Kathryn, 'di nanghinayang sa relasyon nila ni Daniel
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Daniel Padilla (IG)

Wala raw pinanghinayangan si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo sa mahigit isang dekadang relasyon nila ng ex-jowa niyang si Kapamilya star Daniel Padilla.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Oktubre 28, nausisa si Kathryn kung ano ang maipapayo niya sa batang sarili.

“You know nothing. I don’t regret anything…Ayaw ko siyang pangunahan. I want you to experience all the happiness, all the pain,” saad ni Kathryn.

“Alam kong maraming magku-question n’on but it was 11 beautiful years. Kung ano ‘yong nakikita n’yo ngayon, ang laki ng part ng 11 years na ‘yon,” aniya

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kaya pag-uulit ng aktres, “‘Kung nandiyan si little Kath, sasabihin ko, 'You know, ayaw kitang pangunahan. I want you to experience all these emotions, all these things, kasi it’s gonna be a big part of your growth.'"

Matatandaang Nobyembre 2023  nang kinumpirma nina Daniel at Kathryn ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account. 

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn