December 23, 2024

Home SHOWBIZ

'Ang saya ko para sa 'yo:' Yeng, inimbitahang kumanta sa kasal ni Ryan

'Ang saya ko para sa 'yo:' Yeng, inimbitahang kumanta sa kasal ni Ryan
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN Entertainment (YT)

Niyaya ni “It’s Showtime” host Ryan Bang ang singer-songwriter na si Yeng Constantino para kumanta sa kasal nila ng fiancée niyang si Paola Huyong.

Sa latest episode kasi ng “It’s Showtime” nitong Martes, Oktubre 29, bumisita si Yeng sa nasabing noontime show at nagkaroon ulit sila ni Ryan ng chance na magkita.

“Madlang people,” nakangiting saad ni Yeng, “naghihintay lang ako ng invitation, e.”

“Punta ka,” sabi ni Ryan. “Punta ka sa kasal ko.” 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Pupunta ko,” sagot naman ng singer-songwriter. “Gusto n’yo sa bahay n’yo, puntahan ko kayong dalawa, e.

Dagdag pa niya: “Ang saya ko, ang saya ko para sa ‘yo.” 

Nagpasalamat naman ang host sa mabubuting salita ni Yeng para sa kaniya.

Matatandaang noong 2022 ay isiniwalat ni Yeng sa isang episode ng “It’s Showtime” na si Ryan daw ang inspirasyon niya sa kantang “B.A.B.A.Y” na sumikat noong 2013.

Nagkabukingan kasi noon na niligawan daw pala ng host si Yeng ngunit sa pag-aakalang wala siyang pag-asa, inihinto niya ang panliligaw.

Pero sa kasalukuyan, masaya na naman ang dalawa sa kani-kanilang buhay. May asawa na si Yeng at si Ryan naman ay nag-propose na kay Paola noong Hunyo.

MAKI-BALITA: Yeng, nagsalita na kung sino ba talaga ang inspirasyon sa kantang 'B.A.B.A.Y'

MAKI-BALITA: Ryan Bang, engaged na sa non-showbiz girlfriend