December 27, 2024

Home SHOWBIZ

Payo ni Bea Binene sa mga batang artista, 'wag magpakain sa showbiz

Payo ni Bea Binene sa mga batang artista, 'wag magpakain sa showbiz
Photo Courtesy: Bea Binene (FB)

“Showbiz can eat you up.”

Nagbigay ng payo ang “Pasahero” star na si Bea Binene para sa mga mas bata sa kaniya na nagsisimula ng karera sa showbiz industry.

Sa latest episode kasi ng “Toni Talks” nitong Linggo, Oktubre 27, ibinahagi niya ang napagtanto niya sa ginagalawan niyang industriya sa loob ng mahabang panahon.

“Na-realize ko, showbiz can eat you up,” saad ni Bea. “Kapag kunwari may mas mga bata…’di ba ang laging tanong ‘anong tip mo sa kanila?’ Ako ang lagi kong [sagot]: ‘Don’t let it eat you up. [...] Don’t lose yourself.’”

Tsika at Intriga

Moira Dela Torre, pinakawalan na ng management dahil sa attitude problem?

“O, paano mo hindi malo-lose ‘yong sarili mo in the process?” usisa ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga.

Tugon naman ni Bea, “Ako kasi, para sa akin, hindi ito ‘yong world ko. Parang there’s so much more into life.” 

“And laking bagay na …noong bata tayo, ako kasi hanggang ngayon kasama ko si Mama. Lagi kong kasama si Mama,” wika niya.

Dagdag pa ng aktres, “Dati, minsan nahihiya ako. Ako ‘yong pinakamatanda ako ‘yong may kasamang mama. Pero do’n mo mare-realize na laking bagay ng nandyan si Mama. “

Kaya payo ni Bea, “makinig kayo sa magulang n’yo!”

Sa kasalukuyan, dalawang dekada na si Bea sa showbiz industry. Nasa pangangalaga siya ngayon ng Viva Artists Agency. Pero bago pa man ito, 18 taon niyang naging tahanan ang GMA Network. 

MAKI-BALITA: Bea Binene, magiging bagong contract star na umano ng Viva Artists Agency; mananatiling Kapuso ba?