December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Paniniwala ni Toni: Walang nanay na gustong mapahamak ang anak!

Paniniwala ni Toni: Walang nanay na gustong mapahamak ang anak!
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga (YT)

Inilahad ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang paniniwala niya tungkol sa mga ina matapos ikuwento ng aktres na si Bea Binene kung gaano ka-supportive ang nanay nito.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Oktubre 27, sinabi ni Toni na wala pa raw siyang naririnig na nanay na gustong mapahamak ang anak.

“Talagang minsan darating sa point akala mo pinakamalaking kontrabida sa buhay mo ‘yong magulang mo. Pero wala pa akong narinig na nanay na ang gusto ay mapahamak ang kanilang anak,” saad ni Toni.

“Totoo,” sang-ayon ni Bea. “May iba-ibang ways lang siguro of showing.”

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Pagpapatuloy ni Toni: “Iba-iba ang ways nila pero ang bottom line niyon, kaya sila nagiging mahigpit o kaya parang minsan hindi n’yo naiintindihan ‘yong ways nila, kasi pinoprotektahan lang nila kayo para hindi kayo masaktan.” 

Sa naunang bahagi ng panayam, ibinahagi ni Bea kung paano nakatulong ang kaniyang ina sa dalawang dekada niyang pananatili sa showbiz industry.

Aniya, “Dati, minsan nahihiya ako. Ako ‘yong pinakamatanda ako ‘yong may kasamang mama. Pero do’n mo mare-realize na laking bagay ng nandyan si Mama. “

Kaya payo ni Bea, “makinig kayo sa magulang n’yo!”

MAKI-BALITA: Payo ni Bea Binene sa mga batang artista, 'wag magpakain sa showbiz