June 13, 2026

Home SHOWBIZ

‘See you soon, EduarDOS!’ Bettina Carlos, excited na sa kambal niyang anak

‘See you soon, EduarDOS!’ Bettina Carlos, excited na sa  kambal niyang anak
Photo courtesy: Bettinna Carlos Eduardo (IG)

Proud na ipinakita ng actress-host na si Bettina Carlos ang kaniyang baby bump sa isang photoshoot upang ibahagi ang kaniyang excitement sa nalalapit na pagdating ng kaniyang kambal. 

“Psyching myself to be that cool (twin) boy(s) mom. See you soon, EduarDOS ,” caption ng aktres sa kaniyang post. 

Mababasa naman sa comments na bukod sa kaniyang fans at followers, ibinahagi rin ng ilang kaibigan at kapwa mom-personalities ang kanilang excitement sa pagdating ng kaniyang twin boys, tulad nina Gigi Gonzales-Uson at Joy Sotto. 

Samantala, unang inanunsyo ni Bettina ang kaniyang muling pagbubuntis noong Disyembre 2025, kasabay ng kaniyang pagbati ng 5th anniversary sa asawang si Mikki Eduardo. 

Bukod sa inaabangang kambal, si mag-asawa ay may anak na si Amina, at si Gummy, na mula naman sa naunang relasyon ni Bettina. 

Catriona Gray: 'Sana dumating ang panahon na ang kalayaan ay hindi lang ipinagdiriwang tuwing June 12'

Si Bettina ay nagsimula bilang Kapuso at nakilala sa mga proyekto tulad ng “Love to Love” at Kakabakaba” at sa ilang drama series noong panandalian siyang lumipat sa Kapamilya, tulad ng “Magkano ang Iyong Dangal?” at “Wansapanataym.”