December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Pagmamahal ni Jericho kay Janine, sinlawak ng 'Lavender Fields'

Pagmamahal ni Jericho kay Janine, sinlawak ng 'Lavender Fields'
Photo courtesy: Screenshots from Kapamilya Online Live (YouTube)

Kinakiligan ng mga netizen ang naging sagot ni Jericho Rosales nang matanong ni Luis Manzano kung gaano niya kamahal ang co-star sa seryeng "Lavender Fields" na si Janine Gutierrez.

Naglaro kasi ang dalawa sa Kapamilya game show na "Rainbow Rumble" kamakailan.

"Ang Lavender Fields ay tungkol sa pagmamahalan, gaano mo kamahal si Janine?" usisa ni Luis kay Echo.

Nakakikilig na sagot ni Jericho, "Sinlaki ng Lavender Fields!"

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kitang-kita namang napangiti na lamang ang co-star na gumaganap na asawa niya sa serye.

Kamakailan lamang ay inamin ng dalawa na nasa dating stage na silang dalawa.

Inamin din ni Echo na nagustuhan niya si Janine nang magkita sila para sana sa "script reading" ng kanilang mga eksena. First time daw kasi nilang nagkatrabaho sa isang serye at mag-asawa pa kaya kailangan daw ng bonding moments para mas maging epektibo ang kanilang mga eksena bilang mag-couple.

MAKI-BALITA: Jericho Rosales sa real-score nila ni Janine Gutierrez: 'We're going out'

MAKI-BALITA: Jericho Rosales, ibinahagi sweet 'birthdate' ni Janine Gutierrez

Pero habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang updates o kumpirmasyon mula sa dalawa kung sila na ba.