Tila marami umanong nanibago sa kawalan ng presensya ni Kapamilya star Angel Locsin sa kasagsagan ng kalamidad.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Oktubre 27, sinabi ni showbiz insider Ogie Diaz na isa umano si Angel sa mga personalidad na hinanap sa nakalipas na bagyong Kristine.
“Alam mo bukod kay Ma’am Leni [Robredo], hinahanap din sa mga ganitong kalamidad talaga si Angel Locsin. [...] Grabe ‘yan kung tumulong,” saad ni Ogie.
“Maaaring hindi physically present sa mga kalamidad si Angel pero hindi naman natin alam, baka nagpailalim, nagbigay din siya,” wika niya.
Dagdag pa ng showbiz insider: “I’m sure nakasuporta rin ‘yan si Angel.”
Tila hanggang ngayon ay ine-enjoy pa rin ni Angel ang kaniyang social media hiatus dahil wala pa talaga siyang ipino-post na update o recent photo niya.
Pero ayon daw sa source ni Ogie, nasa bahay lang daw lagi si Angel at binibisita na lang ng mga malalapit nitong kaibigan.
Matatandaang nagsimula ang pamamahingang ito ng aktres noong matapos ang 2022 national elections.
MAKI-BALITA: Angel Locsin ineenjoy absence sa social media