December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Ai Ai Delas Alas, masakit magsalita 'pag nagagalit sa mga anak

Ai Ai Delas Alas, masakit magsalita 'pag nagagalit sa mga anak
Photo Courtesy: Ai Ai Delas Alas, Sancho Delas Alas (IG)

Ibinahagi ng comedy queen na si Ai Ai Delas Alas kung anong klase nga ba siyang ina kapag nagagalit sa kaniyang mga anak.

Sa latest episode ng “My Mother, My Story” nitong Linggo, Oktubre 27, sinabi ni Ai Ai na masakit daw siyang magsalita kapag nagagalit.

“Parang ‘pag galit ako noon, noong high blood-in ako, parang hindi ko masyadong…nasu-sugar coat,” saad ni Ai Ai.

Dagdag pa ng comedy queen: “Si mother [Justa] kasi masakit magsalita, e. Parang gano’n din ako ‘pag galit ako. Masakit akong magsalita.”

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Pero ang ipinagkaiba raw niya sa kaniyang adoptive mother, kinakausap daw niya ang mga anak at humihingi ng paumanhin matapos magalit.

“Nag-aapologize ako and nagpapaliwanag ako after. Na bakit ko nasabi ‘yon. And nagso-sorry ako palagi…and mine-meeting ko sila,” aniya.

Kaya naman, binago raw ni Ai Ai ang paraan ng pagpapalaki niya sa kaniyang mga anak sa naging paraan ng pagpapalaki sa kaniya ni Nanay Justa sa pamamagitan ng pagiging bukas sa isa’t isa.

MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas aminadong malandi, sutil