Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Zamboanga del Norte nitong Linggo ng madaling araw, Oktubre 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, tumama ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:22 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 15 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Siayan, Zamboanga del Norte, na may lalim na 4 kilometro.
Naiulat ang Intensity I sa City of Pagadian at Molave, ZAMBOANGA DEL SUR.
Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa Molave, ZAMBOANGA DEL SUR.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.