December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Sylvia sa mga nagsasabing suplada si Maine: 'Wag n'yong i-judge 'yong tao!'

Sylvia sa mga nagsasabing suplada si Maine: 'Wag n'yong i-judge 'yong tao!'
Photo Courtesy: Sylvia Sanchez (IG)

Pinabulaanan ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez ang madalas na impresyon ng maraming tao sa manugang niyang si Maine Mendoza.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Sylvia na normal na tao raw si Maine pagdating sa bahay.

“Si Maine, pagdating sa bahay hindi siya si ‘Maine Mendoza.’ Alam natin kung gaano kasikat si Maine pero pagdating sa bahay, tanggal ‘yong pagiging ‘Maine’ niya. Normal,” saad ni Sylvia.

“Sobra siyang mahiyain, kung alam lang nila. May mga nagsasabi sa akin, suplada. Hindi, ‘wag n’yong i-judge ‘yong tao,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa katunayan—paglalahad pa ni Sylvia—nang ipakilala raw si Maine nang anak niyang si Arjo Atayde, hindi agad ito pumasok sa kanilang bahay dahil nahihiya.

Aniya, “Introvert siya sobra-sobra. As in. Noong una, hindi ako naniniwala kasi makikita natin sa ‘Eat Bulaga’ kung gaano siya kakulit, e.”

Nang kumustahin naman ni Boy ang batikang aktres bilang biyenan ni Maine at Zanjoe Marudo, ipinaubaya niya na ang dalawa ang sumagot nito.

Gayunman, alam daw ni Sylvia na magiging mabuti siyang biyenan dahil naging mabuti rin daw sa kaniya ang mga naging biyenan niya.

“Si Maine at si Zanjoe, sobra ko silang mahal,” sabi pa niya.