January 05, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Maselang video ng Miss Grand Myanmar nat'l director kumalat, sino may pakana?

Maselang video ng Miss Grand Myanmar nat'l director kumalat, sino may pakana?
Photo courtesy: @htooantlwin3250 (IG)/@nawat.tv (IG)

Matapos ang kaniyang pag-eeskandalo sa naganap na Miss Grand International 2024 coronation night noong Biyernes, Oktubre 25, usap-usapan ang Miss Grand Myanmar national director na si Htoo Ant Lwin, dahil daw sa mga kumakalat niyang maselang video na ginawa niya dahil daw sa dati niyang ikinabubuhay.

Nawindang ang beauty pageant fans sa ginawa ni Lwin matapos niyang puwersahang alisin ang korona at sash ng pagka-second runner-up ng kanilang kandidatang si Miss Grand Myanmar 2024 Thae Su Nyein, pagkatapos ng Miss Grand International 2024 coronation night at hindi pa man nakakababa ng stage ang kandidata.

Ang dahilan, hindi umano tanggap ni Lwin na natalo ang kanilang kandidata, o second runner-up lamang ito.

Makikita sa mga kumalat na video na sapilitang tinanggal ni Lwin ang nakaputong na korona sa ulo ni Nyein, at inalis naman ang suot-suot nitong sash, habang kinarga ito ng isang supporter. Si Nyein naman ay tila walang nagawa at napaiyak na lamang na dulot marahil ng kahihiyang nasaksihan ng lahat.

Tsika at Intriga

Igan sa mga kalat sa Bagong Taon: 'Totoo ba na ang mga Pilipino ay burara at baboy?'

Itinanghal na Miss Grand International 2024 ang kandidata ng India na si Rachel Gupta, sa naganap na coronation night nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 25, sa MGI Hall, Bravo BKK Mall, sa Bangkok, Thailand.

Ang pambato naman ng Pilipinas na si CJ Opiaza mula sa Zambales ang first runner-up.

Ang kalahok nga mula sa Myanmar na si Thae Su Nyein ang second runner-up, Safiétou Kabengele ng France ang third runner-up, at kinatawan ng Brazil na siTalita Hartmann ang fourth runner-up.

Sa isang live social media broadcast ay ipinaliwanag ni Lwin kung bakit hindi niya matanggap na second runner-up lamang ang kanilang pambato.

Ayon kay Lwin, sinabi raw sa kaniya ni Miss Grand International (MGI) Nawat Itsaragrisil na nag-alok daw ng salapi ang Indonesia para sa "Popular Vote," at kung gusto rin daw manalo ng award ang Myanmar, ganito rin ang suhestyon ng MGI founder/president na kailangan niyang gawin.

Pero nanindigan si Lwin na hindi siya bibili ng award para sa kanilang kandidata, bagkus ay gagawin lamang ang tamang proseso sa pamamagitan ng pagboto sa official voting app ng MGI. Sa huli, ang nag-uwi ng Popular Vote award ay si Miss Grand Indonesia Nova Liana.

Kaya nang ma-lotlot si Nyein, siya na mismo ang nagbaklas ng korona at sash nito, at kumbaga ay wafakels na siya sa kahihiyang puwedeng maidulot nito, lalo na sa kanilang kandidata.

Dahil dito, kumalat naman ang isang maselang video niya na may running time na 11 minutes.

Hinala ng mga netizen, ang posibleng may pakana at nagpakalat daw ng kaniyang video ay mga tagasuporta ni Nawat.

Dito ay naungkat ang kaniyang pagiging isang "porn star" daw.

Mula sa pagiging porn star ay naging national director ng Miss Grand Myanmar si Lwin, simula pa noong 2021 hanggang sa kasalukuyan. Pero bago magkaroon ng posisyon ay sumabak na rin siya sa male pageant, ang Mister Supranational Myanmar. Kaya naman, siya ang naging kinatawan ng kanilang bansa sa naganap na Mister Supranational sa Krynica-Zdrój, Poland noong 2017.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o opisyal na pahayag ang kampo ni Nawat sa mga naging akusasyon laban sa kaniya ni Lwin.

MAKI-BALITA: Kandidata, na-lotlot sa MGI; Miss Grand Myanmar nat'l director, nag-eskandalo

MAKI-BALITA: Kandidata ng India, wagi sa MGI 2024; Pilipinas, first runner-up