November 24, 2024

Home BALITA

Kabaong, itinaas na lang para iwas-baha: 'Wala na ibang choice...'

Kabaong, itinaas na lang para iwas-baha: 'Wala na ibang choice...'

Usap-usapan ang isang viral Facebook post ng isang netizen mula sa Naga, Camarines Sur, kung saan makikita ang isang kabaong na itinaas na lamang dahil sa labis na pagbaha. 

Ayon sa Facebook post ni Danice Audrey Abante, pumanaw ang kaniyang lolang si Elizabeth Abante sa gulang na 75 dahil sa sakit sa puso noong Oktubre 21. 

Nagkataon namang nanalasa ang bagyong Kristine sa nabanggit sa Bicol Region, at nakaranas ang kanilang lugar ng pagbaha.

Kaya wala na raw silang mapamilian kundi itaas na lamang ang kabaong para sa lamay ng lola. 

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

"Mayung ibang choice, la sana naiintindahan mo. Hanggang sa huring paghali mo, nasasakitan kapa. (Wala nang ibang choice, sana naiintindihan mo. Hanggang sa huli mong pag-alis, nasasaktan ka pa)," aniya. 

"Dawa improvise lang higdaan kang lolo, aantabayan ka niya daa. Pakatatag ka lo. Yaun kami. (Kahit improvised lang ang higaan ni lolo, aantabayanan ka niya daw. Pakatatag ka, Lo. Nandito kami. ).

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Danice, bumaba na raw ang baha kaya naibaba na nila ang kabaong ng lola. 

Wala pa raw silang petsa ng libing dahil hindi pa raw nakukuha ang death certificate ng lola dahil sa bagyo. 

Para sa mga nagnanais magpaabot ng abuloy o tulong pinansiyal, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Messenger ni Danice o ipadala sa sumusunod:

09922331866
John Carlo A.
GCash