December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Ellen, prangkang ibinunyag bakit 'itinago' pagbubuntis

Ellen, prangkang ibinunyag bakit 'itinago' pagbubuntis
Photo courtesy: Derek Ramsay (IG)

Sinagot ni Ellen Adarna ang isang netizen na nagsabing baka kaya hindi nila ipinangalandakan ng mister na si Derek Ramsay ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis, ay dahil gusto niyang surprise ito.

Matatandaang noong Oktubre 23 ay nabigla na lamang ang madlang netizens nang i-anunsyo ni Derek na nakapanganak na ang kaniyang misis sa panganay nilang anak.

Kasagsagan din ito ng pananalasa ng bagyong Kristine sa ilang mga lugar sa bansa.

"My world keeps getting better and better!" mababasa sa caption ng Instagram post ni Derek.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kalakip ng Instagram post ang larawan ni Ellen habang nakahiga sa hospital bed, kalong ang kaniyang bagong silang na anak.

Hindi naman sinabi ni Derek ang gender ng sanggol, pero may hashtag siyang #houseofdragons.

Patuloy na nagbabahagi ang aktor ng photo dumps hinggil sa kanilang bagong silang na anak.

Isang netizen naman ang nagpahayag ng pagkagulat na buntis pala si Ellen.

"i didnt know na buntis pla si ellen now nanganak na wow," saad ng netizen.

"same na shock jud ko hahaha congrats," segunda naman ng isa.

"gusto kasi ni ellen, surprise. Yung malalaman na lng ng lahat na may baby na pala. My post sila dati," saad naman ng isa.

Hirit pa ng netizen, "hindi talaga nila sinbi kasi last time na buntis si ellen, pinost agad ni derek, kaya nastress si ellen kaya nakunan. My post sila dati. Sabi pa nga ni ellen pag nabuntis ako ulit hindi ko na sknya sasabihin(kay derek), pero of course alam ni derek pero nag quiet na lang siya kasi nasabihan na siya ni mam ellen."

Pero umentrada si Ellen sa thread ng comments at nilinaw ang totoong dahilan kung bakit inilihim nila at hindi ipinangalandakan ang pagdadalantao.

"hindi ko gusto surprise. Alam naman ng friends and family and di ko naman tinatago when i go out, crop top ako kahit malaki tyan. I just didnt announce because i dont need to. I want a quiet and peaceful pregnancy. Last thing i need are opinions from people i dont know and unsolicited advice," aniya.

Agad namang humingi ng sorry ang nabanggit na netizen, "yes mam ellen, sorry hindi klaro yung sinabi ko. Thanks sa clarification. Congrats."

Kaya ang susunod na aabangan ng kanilang fans, ano kaya ang gender at looks ng baby.

KAUGNAY NA BALITA: Derek, proud na flinex ang misis na si Ellen at baby nila

KAUGNAY NA BALITA: Ellen Adarna, nanganak na!