Hindi maintindihan ng netizens kung bakit ang aktor na si Gabby Concepcion ang sinisi ng isang netizen kung bakit naantala ang flight nito noong Oktubre 24, sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Sa Instagram post kasi ni Gabby noong araw na iyon, makikitang tila nasa airport siya patulak sa US at Canada tour ng reunion concert nila ng dating misis na si Megastar Sharon Cuneta, ang "Dear Heart."
"Leaving tonight on Philippine Airlines! L.A. Here we come!!" mababasa sa caption ng post ni Gabby.
Isang netizen ang biglang nagkomento sa comment section ng IG post.
"I see, now we know kong bakit maraming na cancel na flight ngayon 24. Siguro kasi kayo ang prioritize ng PAL so sad. I’m disappointed spending extra day in our hotel estranded," mababasa rito.
Hirit pa ng netizen, "FYI hndi ganyan at hndi weather ang reason ng PAL sa email nila. Mga demanding VIP at walang na cancel na international flights."
"walang cancel international flights. Ang na cancel lang mga poor passengers."
"nakkadala talaga lalo na pag mag stay kapa ng another night sa hotel. Problema pa sa Manila walang tubig. Mabuti sana kong walang mga ibang schedule/work/appointments."
Pero mismong mga netizen at fans na ang rumesbak para kay Gabby.
"why would it be his fault?"
"bakit kristine ba si Gabby? Bumili ka sariling eroplano Te kung ayaw mo ma cancel flight mo."
"PAL plagi, di lang Ikaw naka experienced, kaya nkakadala, it’s not Gabby’s or any celebrity, it’s PAL!"
"grabe sisihin tlga sila? bili ka prvate plane teh..."
"sisihin mo si kristine teh..."
Samantala, hindi naman sumagot sa rant ng netizen si Gabby.