May 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Magjowang ikakasal na, patay sa pananaksak ng naghiganting ex!

Magjowang ikakasal na, patay sa pananaksak ng naghiganting ex!
Photo courtesy: Unsplash

Patay ang magkasintahan matapos umano silang atakihin ng dating nobyo ng babae sa loob ng kanilang tahanan sa Surallah, South Cotabato.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente habang nagpapahinga ang dalawa sa kanilang bahay sa isang barangay sa nasabing bayan nang biglang pasukin ng suspek at pagsasaksakin ang mga biktima.

Kinabukasan na nadiskubre ang walang buhay na katawan ng magkasintahan.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng hinihinalang salarin. 

Narekober din mula sa kaniya ang isang patalim na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Ayon pa sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, isa sa mga tinitingnang motibo ng pulisya ang umano’y matinding selos ng suspek para sa kaniyang dating kasintahan.

Nakatakda na raw sanang ikasal ang magkasintahan sa susunod na buwan.

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang suspek na nananatiling tikom ang bibig hinggil sa insidente.