Usap-usapan ang Facebook post ng Filipino fashion designer na si Leo Almodal kaugnay sa isinuot na evening gown ni CJ Opiaza sa coronation night ng Miss Grand International 2024, kung saan, nag-first runner-up ang kandidata ng Pilipinas.
Sa post ni Almodal na ngayon ay hindi na mahagilap sa kaniyang social media account, inisa-isa niya ang mga puna sa ilang mga detalye sa nabanggit na gown, na likha ng kapwa Filipino fashion designer na si Mak Tumang, na siyang lumikha ng "Mayon-inspired evening gown" ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Sa post ni Almodal, naglatag siya ng apat na detalye sa gown ni CJ na para sa kaniya ay "mali" raw.
Una na rito, nagmukha raw flat ang dibdib ng kandidata na puwede naman daw lagyan sana ng seamless pads. Pangalawa, nawala raw ang curves ni CJ dahil masyado raw mahaba at straight ang bandang torso. Ang termino pa nga, nagmukha raw "tuod."
Pangatlo, maiksi raw ang gown at nagsuot pa siya ng short heels kaya nagmukha raw siyang "pandak" kapag itinabi sa iba pang kandidata.
At panghuli, tila sinasabi ni Leo na hindi bagay sa damit ang rose gold belt na parang ipinilit daw na isama.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen at nag-trending pa ang pangalan ni Mak Tumang.
"Mak Tumang ang designer. Actually, I expected more kasi Mak Tumang na yan eh. Buti na lang magaling rumampa si CJ."
"Mak Tumang is really a hit or miss no? Catriona was all hands on the deck kaya maayos ang kanya pati execution."
"May point si Koya HAHAHAHA."
"Honestly, for me maganda yung gown except for the Cape. Maybe, Hindi lang bagay sa kanya ang gown for her body and shape like if it was worn by Pia or Catriona it would've been nice."
"Nagmukhang flat? But she is kinda flat but nadala naman nya at awra kung awra with the gown."
"Tama naman observations niya."
"Leo's gowns are always beaded to the point na mukhang mabigat sa paningin. So before nya criticize si Tumang, perhaps tumingin muna sya sa gowns nya na almost same lang naman halos ang template?"
Sa kabilang banda, pinuri naman ng mga netizen ang nabanggit na gown, sa comment section ng kaniyang Facebook post na nagpapakita ng mga larawan nito.
"SIR MAK!! GRABE YOU BRING OUT THE BEST TALAGA IN EVERY REPRESENTATIVE WE HAVE.. Well done sir!!"
"Sooooo beautiful Mak you are and always a legend!!! Thank you for your gift and talent. We are so proud of you! "
"Ang ganda very fine details... congrats cj and Mak Tumang."
"Ang ganda sabi ko na nga ba pangabog. Pinagpray ko tlga kanina makuha sa top ten si Cj, kasi gusto ko makita suot yun gown nya."
"Woow! Another creation from you sir. Cj never fail you for helping her. She executed so well. The gown she looks like an angel."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Mak kaugnay sa post ni Leo. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.