December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Karylle deserves better!' Billing, puwesto ng mga upuan ng It's Showtime hosts, inintriga

'Karylle deserves better!' Billing, puwesto ng mga upuan ng It's Showtime hosts, inintriga
Photo courtesy: @ddotcj (X)

Trending si "It's Showtime" host Karylle sa X nitong Sabado, Oktubre 26, matapos pansinin ng fans, supporters, at netizens ang puwesto ng mga upuan ng hosts kaugnay sa kanilang pagdiriwang ng 15th anniversary.

Photo courtesy: Screenshot from X via Richard de Leon/BALITA

Ilang netizens kasi ang pumalag na ang kasama nina Vice Ganda at Anne Curtis sa gitna ay si Kim Chiu. Nasa bandang unahan kasi si Karylle katabi at kahilera sina Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez. Nasa kabilang side naman sina Ryan Bang, MC, at Lassy.

Katwiran ng mga netizen, mas matagal na raw si Karylle sa show kumpara kay Kim.

Hindi lamang daw nagsasalita o pumapalag si Karylle dahil sa likas nitong kabaitan, pero kung tutuusin daw, mas deserve umano ni Karylle na nasa spotlight.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

"pwedeng commercial saglit tapos pagpalitin niyo lang ng upuan si Karylle at Kim!!" saad ng isang X user na pumuna sa billing.

Photo courtesy: @ddotcj (X)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"The more na gagawin nyong big deal yung billing, the more na mas najujustify yung pwesto ni Kim. Wala yan sa tagal."

"Truee di ko naman hate si Kim pero wala akong paki kung mas marami syang fans mas deserve ni Karylle dahil siya ang nauna at og host ng Showtime kaysa kay Kim."

"Or tatlo sila nila anne sa gitna. No tea for kim pero karylle deserves better."

"Bakit uso lagi sa Pinoy ang seniority? At laging may meaning ang pwesto sa upuan?"

Samantala, narito pa ang ilan sa mga X posts/tweets ng madlang netizens:

"Mabait naman si Karylle wala ako masabi at mas matagal nga naman na host ng showtime kesa kay Kim pero aminado lahat ng taga showtime na Superstar ang status ni Kim hindi lang sa ABS kundi sa buong Showbiz kaya doon binebase ang billing ng artista hindi sa tagal sa show."

"Gusto ko din si Karylle but at the same time, Kim has drawn in so many fans din naman to watch Showtime. She's one of the main reasons why casual viewers like me patronize the show. Maging masaya na lang tayo kasi andyan sila na nagpapasaya sa atin."

"Luh! Daming reklamo ang saya ng vibes nila panira ka lang. rotation sila kahapon nasa gilid si Kim. Ang saya ng vibes ikaw seniority lang basehan. Lupet hirap niyo pasayahin. Punta ikaw showtime ipaglaban mo. Kahit si Karylle hindi agree sa iyo."

"Aysus pagtatawanan lang ni Karylle yang reklamo mo dahil wala namang issue sa kanila ang sitting arrangements... doon ka na lang sa barangay magreklamo!"

Hindi na bago ang ganitong isyu kay Karylle at ang sinasabing "status" daw niya sa show. Tila patay-malisya nga siya rito at hindi apektado sa mga pang-iintriga na kesyo hindi raw ibinibigay sa kaniya ang spotlight na deserve niya.

Nagsalita na nga rin ang ina ni Karylle na si Divine Diva Zsa Zsa Padilla patungkol dito.

MAKI-BALITA: Zsa Zsa, nag-react sa 'Vice-Karylle' issue; hangad na mas maraming exposure para sa anak

MAKI-BALITA: Vice Ganda, kinumpirmang okay sila ni Karylle; may pasaring kay Kuya Kim?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Karylle, si Kim, o ang management ng It's Showtime at ABS-CBN tungkol sa "billing issue" na ito.

Kung titingnan ang kaniyang X posts ay mukhang hindi alintana ni Karylle ang mga pang-iintrigang ito patungkol sa billing.