Dinumog umano ng pagdulog si Kapamilya Primetime King Coco Martin para pabalikin ang batikang aktres na si Gina Pareño.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Oktubre 25, sinabi ni Ogie na baka puwede raw tuparin ni Coco ang hiling ni Gina.
Matatandaang sa panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe kay Gina kamakailan, binanggit ng huli ang kagustuhan niyang makaarteng muli.
MAKI-BALITA: Gina Pareño, bet bumalik sa pag-arte; nakalimutan na nga ba?
“Tanggol, baka puwede mo namang kunin si Tita Gina Pareño nang makaarte naman. Regalo mo na kay Tita Gina sa kaniyang kaarawan,” saad ni Ogie.
“Knowing Tanggol, si Coco Martin, talagang mahilig namang magbigay ng break ‘yan si Coco. Kasi galing din naman siya sa wala noon. Binigyan din ng chance,” wika niya.
Dagdag pa ng showbiz insider: “Ngayon, ibinabalik lang niya. Kumbaga, faith forward siya.
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Coco tungkol dito.
Matatandaang minsan na ring nakasama ni Coco si Gina sa “Juan Dela Cruz” nang gumanap ito bilang lola ng karakter niya.