Nagpaabot ng pasasalamat si dating vice president Atty. Leni Robredo para kina “It’s Showtime” host Kim Chiu, Ogie Alcasid, MC Muah, at Lassy Marquez.
Matatandaang sa latest episode ng “It’s Showtime” ay sinabi ni Kim na mapupunta raw sa Angat Buhay Foundation ang premyong napanalunan nila sa Magpasikat 2024.
“Gusto lang namin i-share na 'yong mapapanalunan namin, hindi pa man namin alam 'yong nangyari sa [Bagyong Kristine] pero 'yung charity po talaga namin ay para sa Angat Buhay Foundation,” saad ni Kim.
Dagdag pa ni Kim: “Maraming maraming salamat. Malaking tulong po 'to sa lahat ng mga nasalanta."
Kaya naman ani Robredo sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Oktubre 26, “Maraming salamat for your generosity, Kim Chiu, Ogie Alcasid, MC, Lassy and It’s Showtime Family.”
Makakatanggap ng kabuuang ₱300,000 ang grupo ni Kim bilang premyo sa kanilang pagkapanalo.
MAKI-BALITA: Team ni Kim, wagi sa Magpasikat 2024; napanalunan, ido-donate sa Angat Buhay